WELCOME TO MY HUMBLE ONLINE ABODE!

2

Thank you for dropping by!

I realized that the internet is an extremely vast universe where everyone can create a comfortable niche for himself. Many netizens are brilliant enough to write highly informative and helpful articles, and generous enough to share those articles with others. Thus, the advent of blogging.

I, myself, love reading and learning from blog posts. It’s reassuring to know that my plight is not unique – that there are others out there who also go through what I am going through on a daily basis. And since I am fairly good at writing and can come up with decent articles, I decided to put this up. My very own blog. Yay, finally!

In this little corner of the Blogosphere, you will meet a mother who loves sharing with everyone who would care to read all her random musings, dignified rantings, profound thoughts about family, love, parenthood, home and life, personal advocacies, dreams and experiences, observations, opinions and impressions, everyday exploits, confessions, and innermost desires. I would also like to connect with all of you so do not hesitate to leave me a message (I am an active Facebooker, and as soon as I get the hang of all these, I will also be a familiar face and voice in Instagram and Twitter!) or a comment at the end of my every blog entry.

Happy reading!

CHEL DIOKNO, ANG BOSES NG KATARUNGAN

52164971_1155895301247147_1887229881360580608_n

Ito si Chel.

Ama niya si Jose “Ka Pepe” Diokno, isang dating Senador, statesman at democracy icon.

Tinagurian ding Father of human rights advocacy sa Pilipinas si Ka Pepe.

Naging biktima ang pamilya nila ng Martial Law nang ipinaaresto at ipinakulong ni Marcos ang kanyang ama without charges and a warrant.

Siya ay may dugong Batangueño: dugo ng matapang, dugo ng matapat, at dugo ng makatao.

Honor student at recipient ng Gerardo Roxas Leadership award noong high school.

Gradweyt siya ng Philosophy sa UP Diliman, kung saan siya naging honorary member ng Creative Writing Center.

Nagtapos ng Law bilang magna cum laude sa Northern Illinois University.

Bumalik sa bansa upang magsilbi sa mga kababayan kahit na pumasa siya sa bar exam sa Illinois.

Naging kilalang human rights lawyer at defender.

Naglingkod at ngayon ay chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), na itinitag ng kanyang ama.

Nagsilbi sa Commission on Human Rights sa ilalim ng dalawang administrasyon.

Tumayong team leader sa impeachment proceedings against Erap Estrada.

Naging General Counsel ng Senate Blue Ribbon Committee during the 13th Congress.

Itinayo ang Diokno Law Center na nagbibigay ng legal training sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, private organizations, at mga eskwela.

Founding Dean ng De La Salle University College of Law.

Integrated Bar of the Phils. Presidential Adviser for Human Rights.

Tatlong dekadang nagsilbi bilang tagapagtanggol ng mga naaapi sa batas.

Naipanalo ang kaso ng 4,386 victims ng MV Doña Paz tragedy.

Isa sa mga FLAG lawyers na umusig sa mga pulis involved sa Kuratong Baleleng rubout case.

Legal counsel ni Jun Lozada, ang NBN/ZTE whistleblower noong panahon ni GMA.

Lead witness ng Ombudsman sa mga kaso laban kina NEDA head Romulo Neri at Comelec chair Benjamin Abalos.

Matagumpay na naipetisyon sa Supreme Court ang kauna-unahan nitong pag-iisyu ng Writs of Amparo para sa kanyang mga kliyenteng magsasaka na tinorture ng mga militar.

Nahatulan si Jovito Palparan sa naturang kaso.

Napalaya ang Tagaytay 5, isang grupo ng mga magsasaka, na ikinulong illegally ng PNP.

Matagumpay na naipagtanggol ang mga inosenteng hinatulan ng death penalty.

Isa sa mga legal counsel ni retired SPO3 Arturo Lascañas, ang nagbunyag sa Senado ng Davao Death Squad ni Duterte.

Kinwestyon sa Supreme Court ang constitutionality ng Oplan Tokhang.

Kasapi siya sa “Manlaban sa EJK,” isang koalisyon na nangangampanya laban sa extra-judicial killings sa bansa.

Sumulat ng mga librong may kinalaman sa batas at karapatang pantao.

Kasama ang buong pamilya Diokno, patuloy na lumalaban sa historical revisionism at sa mga pang-aabuso sa lipunan.

Isang political neophyte.

Bilang senatorial candidate, social media favorite siya during televised forum at debates dahil sa kanyang matapang, matalino at witty remarks.

Adbokasiya niya ang pagpapatupad ng mga reporma sa sistema ng hustisya.

Matapang na nilalabanan ang double standard ng hustisya sa bansa.

Naniniwala siyang dapat ‘pag may sala, may parusa.

Ang pangarap niya bilang Pilipino at future Senator ay patas na batas para sa lahat.

Advertisements

PILOpino Tayo! (Filipino version)

51563377_1046293585555272_629227023989997568_n

Ito si Pilo.

May pagmamalaking tinatawag ang sarili na “Anak ng Tundo.”

Ina niya ay dating kasambahay.

Ama niya ay dating tindero at mensahero.

Sipag. Sikap. Talino.

Ang kanyang mga naging sandata sa paggapi sa kahirapan.

Iskolar at working student.

Gradweyt siya ng Economics sa UST.

Nagtapos ng Law sa UP College of Law.

Bar topnotcher noong 1999.

Kumuha ng Masters of Law sa Yale Law School.

Hindi nagpayaman bilang Abogado de Campanilla.

Sa halip, pinili niya ang maglingkod sa bayan.

Nagtrabaho siya sa Bantay Katarungan, isang anti-corruption group.

Nahasa siya sa ilalim ng statesman na si Jovito Salonga.

Nagtrabaho siya para kay retired SC Justice Vicente Mendoza, isang magiting na Constitutionalist.

Nagturo ng Batas sa UP sa loob ng 18 taon.

Itinalagang Solicitor General noong 2014.

Ipinagtanggol ang Reproductive Health Law sa Supreme Court.

Nabawi ang P71-B coconut levy funds para sa gobyerno.

Pinangunahan ang legal team na nagpapanalo ng ating arbitration case vs China over the West Phil. Sea.

Legal counsel nina Sen. Leila de Lima at Sen. Sonny Trillanes.

Walang takot na kritiko ng mga polisiyang anti-people at anti-law.

Ngayon ay kumakandidato para sa Senado.

Walang pera. Walang koneksiyon. Walang impluwensiya.

Hindi sikat.

Hindi galing sa political family.

Integridad.

Abilidad.

Kredibilidad.

Tinig ng mga api at ng mga nasa laylayan.

Kalaban ng korapsyon.

Bantay ng Konstitusyon.

Kampyon ng sobaranya.

Para kay Pilo Hilbay, walang pangarap na imposible!

PILOpino Tayo! (English version)

51563377_1046293585555272_629227023989997568_n

 

This is Pilo.

Proudly calls himself “Anak ng Tundo.”

A son of a househelp and a messenger.

Hard work. Perseverance. Intellect.

Those were his stepping stones to success.

A scholar and working student.

Graduated with Economics degree from UST.

Earned his Law degree from the UP College of Law.

1999 Bar Topnotcher.

Obtained his Masters of Law degree from the Yale Law School.

He did not accept the lucrative job offers that came his way.

Instead, he opted to serve the country.

He worked for Bantay Katarungan, an anti-corruption group.

A protégé of Jovito Salonga, the statesman he wants to emulate.

He worked for a great constitutionalist, the retired SC Justice Vicente Mendoza.

Taught Constitutional Law in UP for 18 years.

Was appointed Solicitor General in 2014.

Defended the Reproductive Health Law before the Supreme Court.

He pushed for the return of the P71-B coconut levy funds to the gov’t. coffers.

Led the Phil. contingent that successfully fought for the West Philippine Sea.

Lawyer for detained Sen. Leila de Lima and embattled Sen. Antonio Trillanes IV.

A fearless critic of anti-people and anti-law policies.

He is now running for the Senate.

No money, no connections, no influence, no fame, no political name.

Integrity.

Ability.

Credibility.

A voice for the oppressed and the downtrodden.

A warrior against corruption.

A custodian of the Constitution.

A champion of the Philippine sovereignty.

Pilo Hilbay, a visionary dreamer.

MAKE A STAND WITH TEAM PILIPINAS!

FB_IMG_1548314328937.jpg

A friend messaged me today. Mas okay daw ang mga fb posts ko dati noong puro about family, parenthood, marriage at nakakatuwang mga kwento ang isini-share ko. Tigilan ko na raw kasi ang politika. Kung hindi, dadami lang daw ang wrinkles (at kaaway!) ko.

Ang sagot ko sa kanya?

Bes, nami-miss ko na rin ang time when I was always inspired to write and share articles about the joys of being a mom, a wife and a woman. Nami-miss ko na ang panahon when days would pass by na walang malaking ganap sa paligid natin. Nami-miss ko na ang pakiramdam na paggising sa umaga, I wouldn’t have to wonder with dread, “Ano na naman kaya ang mga mangyayari today na hindi kagandahan?”

Ngayon kasi, bes, the time demands na magbasa, magsulat at mag-share tayo para makapagmulat ng mga kababayan natin na walang alam, walang pakialam, o pinipili pa rin ang maniwala sa mga kasinungalingan.

Look around us.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatay in the name of a fake drug war.

Wala pang nahuhuling drug lords. Yung mga umamin, pinakawalan. Yung mga convicted, ginawang witnesses laban kay Sen. De Lima, at pinawalang-sala.

Bilyun-bilyong halaga ng droga ang hinahayaang makapasok sa bansa.

 

Ang mga mahihirap, lalong napapahirapan dahil sa TRAIN law.

Bagsak ang ekonomiya natin.

Mahal ang mga bilihin.

Ang mga trabahong dapat nakalaan sa mga Pilipino, sa mga Tsino ibinibigay. Kaya ang mga OFWs, patuloy na nagpapaalipin at naaabuso sa ibang bayan.

 

Mas grabe ngayon ang korapsyon sa gobyerno. Harapan at walang pakundangan. Nariyan ang magkakapatid na Tulfo, sina Lapeña at Faeldon, si former DOJ Sec. Aguirre, si Bong Go at ang pamilya nya, si Solgen Calida, ang mga Villar, ang pamilya ni Sec. Diokno, ang mga Konggresista with their budget insertions, at marami pang iba.

 

Tinatakot at pilit na pinapatahimik ang mga personalidad at institusyon na lumalaban sa mga abuses ng administrasyong ito. Binabaluktok nila ang batas, at ginagawang tama ang mali at mali ang tama.

 

Pinipilit baguhin ng ating mga politiko ang Saligang Batas upang maproteksyunan nila ang kanilang pangsariling interes.

 

Ang mga kilalang plunderers, pinalaya na at ngayon ay mga kumakandidato para makabalik sa kapangyarihan. Habang ang mga batang paslit, gusto nilang gawing criminally liable at makulong kapag lumabag sa batas.

 

At ang mga teritoryo natin sa West Philippine Sea? Hayun, pinapabayaang kamkamin ng China. Bes, ilang taong ipinaglaban ‘yun ng Pilipinas sa The Hague. Naipanalo na natin ‘yun. Pero ngayon ay isinusuko ng administrasyong ito ang ating karapatan at pinapayagang i-harass ang ating mga mangingisda sa ating sariling katubigan.

 

And that poor excuse of a man na nakaupo sa Malacañang? Wala siyang ginagawa kundi bigyan ng kahihiyan ang Office of the Philippine President that he should be representing! Ang mga ipinagmamalaki niya lang na accomplishments ay ang kanyang mga fake wars.

Fake war against illegal drugs.

Fake war against corruption.

Fake war against poverty.

Fake war against oligarchs.

Fake war against incompetence.

 

Ngayon, bes, sabihin mo sa akin. Dapat ba akong manahimik? Baka naman panahon na para imulat mo ang iyong mga mata, pakinggan ang hinaing ng mga kababayan nating namatayan at naghihirap, at gamitin ang iyong boses upang kundinahin ang mga hindi makatao at hindi maka-Pilipinong nangyayari sa bayan natin.

Samahan mo kami, Bes.

Make a stand.

The way I see it, laban na ito ng mga tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa bayan versus mga traydor sa bayan. So, ang laban namin ay laban nating lahat. At kailangan nating maipanalo ang labang ito.

Bago pa mahuli ang lahat.

TEAM PILIPINAS CANDIDATES, KILALANIN NATIN!

They go by many names.

Fence sitters. Spectators. Onlookers. Bystanders

They are mostly passive, indifferent, detached, apathetic, neutral, and complacent.

Their favorite lines are, “Huwag na tayong makialam dyan. Wala rin namang mangyayari.” Hindi rin naman tayo pakikinggan.” “Pare-pareho lang naman ang mga namumuno sa bansa.” “Hindi rin naman magbabago ang buhay natin.”

Mali po.

We should all be concerned, active, interested, participative, involved, engaged.

The way our government is run should be our concern dahil kung anuman ang kahihinatnan ng bansa natin, tayo ang apektado. Ang buhay ng mga anak natin ang apektado. Ang mga susunod pang henerasyon ang apektado.

Sa mga nangyayari ngayon sa ating paligid, we can’t afford to be silent.

We have to make our voices clearer, louder, and stronger. And, together, we can possibly make a difference. We can effect change. We can reclaim our people and our country.

Kaya’t sa nalalapit na eleksyon, suriin nating mabuti ang ating mga kandidato. Huwag na tayong magpaloko. Ang mga corrupt, mga trapo, mga political dynasts, mga incompetent, mga supporters ng mga polisiyang maka-China, anti-people, at anti-God — there’s a special place reserved for them at, definitely, hindi iyon sa ating mga balota.

Ako, tumaya na. Ito ang aking mga kandidato na dadalhin ko sa Senado. Kilalanin nyo sila.

Sa abilidad, kalidad, integridad, at kredibilidad, hindi sila matatawaran.

Ang laban nilang walo ay laban ng bawat Pilipino!

48388512_2272648009413220_3520992482496086016_n

 

48364521_2259242994087055_8552382627779182592_n

 

47682169_2259242977420390_2020643733216690176_n

 

47679881_2259242970753724_2587709214495342592_n

 

47572872_2259242974087057_4315226231533469696_n

 

48921875_2272648019413219_5855049690222952448_n

 

47683889_2259242984087056_3366516643596337152_n

 

48364328_2272648016079886_1183166316412928000_n

 

48358741_2272648012746553_5467014822551879680_n

CHA-CHA NI GLORIA, MAKATAO O MAKA-POLITIKO?

Sa botong 224-22-3, the House of Representatives approved last December 11, during its 3rd and final reading, the resolution “that seeks to shift the Philippines to a federal system of government.” Ang nasabing proposed Revision of the 1987 Constitution ay kilala bilang Resolution of Both Houses number 15 o RBH 15.

Masasabi nating may pagka-ninja talaga itong si GMA.

Mabilis at walang ingay niyang nailusot sa committee level ang RBH 15 noong Oktubre ng nakaraang taon. Noong December 3, after only three days of plenary deliberation, debates were terminated. Ito ay sa kabila ng malinaw at malakas na pagtutol at protesta ng ating mga kababayan sa nasabing proposed constitution. (According to a June 2018 Pulse Asia survey, 67% ng ating populasyon ang hindi sumusuporta sa charter change, habang 62% naman ang hindi pabor sa shift to a federal form of government.) Also, the passage of the resolution after the third reading happened only eight days after it was approved on second reading. 8 days?!!! Nakulayan din ng kontrobersya ang hasty passage ng RBH 15 nang na-expose sa ating lahat ang bilyon-bilyong pork barrel insertions sa proposed 2019 national budget kung saan mga kaalyado ni GMA ang lumalabas na may malaking pakinabang. Hindi maiiwasang isipin na ginamit ang pork barrel to “bribe” the Congressmen para suportahan ang RBH 15.

Under RBH 15, which was authored by no other than our honorable House Speaker Gloria Macapagal Arroyo and filed with 35 other lawmakers, ay matatagpuan ang mga sumusunod na probisyon:

 

  1. The Vice President shall be excluded from the line of succession during the transition period. So, kapag may masamang nangyari kay Duterte habang Pangulo pa siya ng bansa, hindi si VP Leni ang papalit sa kanya, kundi ang Senate President who happens to be Tito Sotto. Juicecolored!

 

  1. The term limits for the members of Congress shall be removed. Under the present Constitution, a Senator can only sit for two consecutive 6-year terms, while a member of the Lower House is limited to three consecutive 3-year terms. Ang ninjang si Arroyo, na dating naka-wheelchair at naka-neck brace pa, is a third-termer lawmaker. So, siya ang unang makikinabang sa probisyong “unli” terms of office na ito. Ang saya-saya, di ba?

 

  1. This resolution does not have any provisions on the regulation of political dynasties, unlike the Con-Com draft. So, pwede na talagang magpakalunod sa kapangyarihan ang ating mga politiko pati na rin ang kanilang mga anak, mga anak ng kanilang mga anak, at mga anak ng mga anak ng kanilang mga anak. Hindi kaya sila lugi rito?

 

  1. Likewise, it does not have any provisions on the holding of elections in May 2019 because, under the new constitution, the first election shall be held on the second Monday of May in 2022. Meaning, mai-extend ang term ng lahat ng incumbent officials dahil kanselado ang darating na mid-term elections. Ngayon, mas malinaw na ba kung bakit talagang ni-railroad nila ang pagpasa ng RBH 15?

 

  1. We shall have a presidential-bicameral-federal form of government, wherein the President and Vice President are to be elected at large. Both should come from the same political party, and a vote for the Pres. is a vote for the Vice Pres. So, kung may natipuhan tayong presidential candidate na relatively ay matino but who happens to have a running mate na chaka kagaya halimbawa ni Pacquiao, wala tayong choice if we vote for him kundi ang tanggapin ang kanyang VP. Buy one, take one lang ang peg!

 

  1. Industries shall be opened up to foreign ownership. Dahil sa pag-insert nila ng phrase na “unless otherwise provided by law,” ang mga foreign investors ay posible nang magmay-ari ng ating mga lupain at iba pang natural resources, mga educational institutions, public utilities, media entities, at iba pa. Pwede na tayong maging alipin ng mga dayuhan sa ating sariling bayan!

 

  1. The Speaker of the House, instead of the Senate President, shall be the ex-officio chairman of the Commission on Appointments. Nakukulangan pa si GMA sa kapangyarihang hawak niya bilang House Speaker. Kailangang mapasakanya pa rin ang makapangyarihang komisyon na ito. Speaking of the insatiable appetite for power!

 

20180724_gma02
Photo credit to the owner

 

This resolution has already been transmitted to the Senate for its own deliberations. Kailangan nating maging alerto at mapagbantay. Ipinakita na ng mga Kongresista ang kanilang tahasang pagkalulong sa kapangyarihan. Shamelessly! They want charter change for no other reason but to advance their self-interests. ‘Yun lang at wala nang iba.

Ngayon, tingnan natin how our Senators will fare.

 

 

 

Narito ang explanation ni Cong. Kit Belmonte sa kanyang NO vote to Cha-cha. Sana, lahat ng politiko ay kagaya niya.

Atty. Kit Belmonte votes NO to Cha-cha

EXPLANATION OF VOTE

Madame Speaker, my colleagues: Magandang hapon po. As representative of the Sixth District of Quezon City, I vote NO to RBH 15.

The House of Representatives is the primary institution that ensures that  in the enactment of national measures enshrine the interest of each and every Filipino. We in Congress are the representatives of our constituents. Our constituents deserve no less: we have to make sure that their interest is guarded with every legislation that is sought to be passed in this august chamber.

RBH 15 as we see it now is so different from the drafts discussed in committee. It was even recommitted to the Committee on Constitutional Amendments  for the failure to include the Vice President in the line of succession. Despite clear objections to the proposed constitution, debates were terminated on December 3, 2018, after only three session days of debate.

Three days to debate a measure to change our constitution, ladies and gentlemen. For a resolution that seeks to change the very character of our nation and the fundamental workings of our government, it is a disservice to our constituents. Three session days: there WILL be questions that WILL be unanswered.

Hawiin natin ang usapan mula sa pulitika pabalik sa mga katanungang bumabagabag sa mga ordinaryong Pilipino—mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, karahasan laban sa mahihirap. At a time when poverty and powerlessness prevail over our citizens, hindi ba dapat sa kanila nakatuon ang ating pansin at kung papaano natin mabibigyan ng solusyon ang kanilang mga suliranin?

Change is a double-edged sword. Tinkering with our constitution all in the name of supposed “change”, and forcing such change despite the absence of any clamor, and only for personal gain will not in any way contribute to the strengthening of our nation.

Tanggal and term limits, Burado ang anti – dynasty provision. Para kanino ba talaga ang Cha-Chang ito?

In behalf of the constituents of the 6th District of Quezon City, I vote NO to RBH 15.

 

 

Sen. Pilo Hilbay on RBH 15:

https://news.mb.com.ph/2018/12/12/former-solgen-bares-real-motive-of-cha-cha/

 

List of major constitutional changes under RBH 15:

https://www.rappler.com/nation/218210-list-major-changes-house-draft-constitution-federalism?utm_medium=Social&utm_campaign=Echobox&utm_source=Facebook&fbclid=IwAR3Z3OB7qxSr53j8-m5mUfGLu8sjGRH5I8lpGGB2eHKoJh_w452907VxJAI#Echobox=1544517984

 

The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) on RBH 15:

https://www.ceap.org.ph/upload/download//201812/1201337840_1.pdf

 

WHAT, ENABLER SI TATAY DIGONG KO?!!!

A lot of people are asking, “Ano ba ang ibig sabihin ng enabler?” “Bakit ninyo inaakusahan si Tatay Digong na isang enabler?” “Bakit isinisisi nyo yata sa kanya ang halos lahat ng mga hindi magagandang nangyayari ngayon sa bansa natin?”

Ganito kasi ‘yun.

Kapag ang Tatay mo ay nagsasawalang-kibo, nagkikibit-balikat, o nagbubulag-bulagan kapag may ginawa kang kasalanan; kung siya ay natatawa o dinidipensahan at binibigyan ka pa ng reward kapag ikaw ay isinusumbong sa kanya ng iyong kapatid; or worst, kung siya mismo ang nag-uudyok sa iyo na gumawa ng mali; masasabi nating “enabler” ang Tatay mo.

Masahol pa siya sa kunsintidor dahil nagbubuyo at nangkakayag pa siya tungo sa tiwali at maling daan.

Ang Tatay Digong mo, sa simula pa lang, ay inencourage na ang mga pulis, pati na rin tayong mga sibilyan, to “go ahead and kill drug addicts.” Ano ang naging resulta? Kaliwa’t kanan ang naging pagpatay sa mga suspected drug users —hindi lang ng mga pulis during legitimate police operations, kundi maging ng mga riding-in-tandem vigilantes, hitmen, at scalawags. Since he took office in July 2016, nasa 27,000 drug-related killings na ang naitatala sa bansa, ayon sa CHR.

Nag-release si Tatay Digong mo ng list of government officials na di-umano ay involved sa drugs, without filing a single case before the court nor presenting any clear and substantial evidence. Sa ngayon, 12 Mayors at 6 Vice-Mayors na ang pinapatay since Duterte won the presidency.

Winarningan ni Tatay Digong mo ang mga magbubukid against occupying unused and barren lands. Nagbanta pa nga siya na babarilin sila kapag sumuway sa kanya. Ayon sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), 172 farmers na ang pinapatay sa ilalim ng administrasyong ito. Mostly, ang mga biktima ay mga magbubukid na nagtatanim ng mga gulay, prutas, at root crops sa mga lupang nakatiwangwang lang during Tiempo Muerto (o yung panahon na wala silang trabaho dahil sa dead season) upang may maipakain sila sa kanilang mga pamilya.

Sa simula pa lang, ipinakita na ni Tatay Digong mo sa kaniyang mga salita at gawa, kung gaano kaliit ang tingin nya sa mga babae. Grabe ang pambabastos at pambabalahura nya sa mga anak ni Eba —mula sa rape jokes, catcalling, taking pride in his womanizing, paghalik sa female supporters nya in public, degrading women and belittling their competence and capability, pagsasabing foreign women have a queer odor, equating women’s usefulness to their vagina, pagmamalaki na minomolestiya niya dati ang kanilang kasambahay, at kung anu-ano pang kahalayan. Ang mga sipsip sa gobyerno, syempre pa, ay magpapa-impress. Follow the leader kasi ang peg nila. Kaya naglipana ang mga sexists, misogynists, bigots at chauvinistic pigs ngayon, pati na rin ang kanilang mga apologists. Nandyan sina Salvador Panelo, Vit Aguirre, Harry Roque, Martin Andanar, Pantaleon Alvarez, Reynaldo Umali, Manny Pacquiao, Tito Sotto, mga pro-admin bloggers, at marami pang iba.

Iniutos ni Tatay Digong mo sa ating mga sundalo na, if they should encounter female insurgents, dapat barilin nila ang mga ito sa vagina. Pwede rin daw silang mang-rape, at sasagutin niya hanggang tatlo. Sa mga pronouncements na ‘yun, he openly encouraged violence against women. Ayon sa Center for Women’s Resources, at least 56 cops ang na-involve na sa abuses against women from July 2016 to October 2018.

Walang tigil ang pagbanat ni Tatay Digong mo sa simbahang Katolika — mula sa mga pari at obispo hanggang kay Pope, sa mga santo, at mismong sa Diyos. Gago raw at lasenggo ang mga santo, at istupido naman daw ang sinasamba nating Diyos. In a period of 6 months, mula December 2017 hanggang June 2018, tatlong pari na ang pinapatay habang ang isa ay severely injured, ayon sa CBCP. Sabi nga sa isang pastoral letter na inilabas ng Simbahan, “they are killing our flock, they are killing us, the shepherds, and they are killing our faith.”

49603582_983571931827609_2222468154875969536_n
Photo credit to the owner

During the campaign pa lang, sinasabi na ni Tatay Digong mo na papayagan nya ang paglilibing sa bangkay ng diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sa kabila ng malinaw na narrative ng kasaysayan na nagpapatunay sa pang-aabuso ng mga Marcoses sa kapangyarihan at sa pandarambong nila sa kaban ng bayan during their tyrannical rule, itinuturing ni Tatay Digong mo si Marcos na “best President ever” at pinupuri ang kanyang Martial Law. Ilang buwan pa lang sa Malacañang ang tatay mo noong Nov 2016 nang inilibing sa LNMB si Marcos sa pamamagitan ng isang tahimik at pasikretong seremonya. Ang mga statements nya rin ukol sa mga Marcoses ang nagpapalakas ng loob sa mga historical revisionists na patuloy na baluktutin ang kasaysayan at magpakalat ng kasinungalingan patungkol sa Martial Law. Ngayon, mahigit dalawang buwan na since inilabas ng Sandiganbayan ang verdict nito kaugnay ng graft charges against Imelda Marcos. She was found guilty of 7 counts of corruption. The involved amount is $200 million, at ang mga kaso were filed noong 1991 pa. We all know, however, na sa ilalim ni Duterte, hindi papayagang makulong ang biyuda ni Apo.

Paulit-ulit na sinasabi ni Tatay Digong mo during his campaign sorties na, should he get elected, he will release GMA. Barely a month after he stepped into the Palace, ibinasura ng Supreme Court ang kasong plunder against Congresswoman Arroyo. Kasabay ng pagpapalaya sa kanya from her hospital arrest ay ang pagbabasura nya rin sa kanyang wheelchair at neck brace. Two months after, pinalaya rin si Jinggoy Estrada sa bisa ng bail — this, despite the non-bailable nature of the plunder charges against him. Acquitted at pinalaya na rin si Bong Revilla. Kasalukuyang namamayagpag ngayon si GMA bilang House Speaker, samantalang ang tatlong ex-Senators na involved sa multibillion-peso pork barrel scam ay nag-file na ng kanilang COC para sa senatorial race next year.

Hindi maikakaila ang pagkiling ni Tatay Digong mo sa China. Sino ang makakalimot sa statement nyang, “There are now three of us against the world — China, Philippines and Russia”? At ang biro nyang, “If you want, just make us a province”? Under his administration, malakas ang loob na sinasakop ng China ang mga teritoryo natin sa West Philippine Sea. Nababaon tayo ngayon sa multibillion “friendly” loans sa China. Pinapaburan ang mga Chinese contractors na banned na sa ibang bansa due to unscrupulous business dealings and transactions. Malayang nakakapagtrabaho rito ang mahigit 3 million Chinese nationals na nagiging kakumpitensya pa ng di-mabilang na mga Pinoy na walang hanapbuhay. Nakakalusot sa BOC ang tone-toneladang illegal drugs at iba pang smuggled goods from China. Isa sa mga consultants ni Duterte ay Chinese. Madalas na may nagda-dock na Chinese military ship at nagla-land na Chinese aircraft sa Davao. Binu-bully sa WPS ang ating Navy at mga mangingisda. Ngayon, inaangkin na rin ng China ang ating Benham Rise. At naaprubahan na ang Chinese government-owned telecom company na mag-operate sa bansa. Ito ay posibleng maging malaking threat sa ating national security. Isang araw, magigising na lang tayo as the next Venezuela sa kamay ng mapanupil na China.

Ugali ni Tatay Digong mo ang labelling. Tinatawag niyang Dilawan ang kanyang mga kritiko, at Reds ang mga taga-suporta ng makakaliwang pwersa. Sa social media, paboritong target ng mga trolls at DDS ang mga “dilawan.” Samantala, because of redtagging, marami nang human rights advocates ang pinapatay. According to the National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), si Atty. Ben Ramos, isang kilalang human rights lawyer at peasant advocate, ang 34th lawyer killed under this administration.

Kilala si Tatay Digong mo for consistently lambasting media outfits for their critical reporting. Binabantaan nya ang mga ito with “exposés,” investigations and legal cases, coverage ban, at possible shutdown. As a result, napilitang ibenta ng Prieto family ang kanilang majority stake sa Philippine Daily Inquirer kay Ramon Ang, kilalang malapit na kaibigan at campaign contributor ni Duterte. Ang Rappler ay patuloy na ginigipit hanggang ngayon, samantalang ang ABS-CBN ay tinatakot na hindi bibigyan ng renewal of franchise kapag ito ay nag-expire in 2020. Tinutuya rin ng mga DDS at trolls ang mga myembro ng media na “presstitutes.” Sa kasalukuyan, 12 journalists na ang pinapatay sa ilalim ng rehimeng Duterte, ayon sa NUJP.

Alam nating lahat na marami sa mga political supporters at campaign contributors ni Tatay Digong mo ang binigyan nya ng mga posisyon o meaty contracts sa gobyerno. Marami ang na-bypass na career officials, at karamihan sa mga appointees nya ay kulang sa karanasan, abilidad, at credentials. Recently, “pabirong” nag-issue ng warning si Tatay Digong mo sa mga local officials sa Bicol na hindi bibigyan ng suportang pinansyal kung hindi nila susuportahan ang kandidatura nina Bong Go, Bato Dela Rosa, at Francis Tolentino. Kung ang pinakamataas na lider ng bansa ay walang pakundangan sa pagpa-practice ng patronage politics, ano ang dapat nating asahan sa local at barangay levels? Dapat nga kasi, leadership by example ang pinapairal. Di ba?

Paano maipatutupad sa bansa ang anti-political dynasty law kung mismong pamilya ni Tatay Digong mo ay mga political dynasts? Paano siya paniniwalaang seryoso sa kanyang anti-corruption campaign kung pinakawalan nya ang mga plunderers, nananahimik siya sa mga appointees nyang involved sa mga anomalya, at ipinu-promote niya ang mga kaalyado nyang nalusutan o nagpalusot ng tone-toneladang shabu sa Customs? Paano nya oobligahin ang mga government employees na maging competent sa kanilang trabaho kung nagpa-power nap lang siya sa mga pandaigdigang pagtitipon? Paano siya paniniwalaan that he hates the oligarchs kung nakikita natin siya rubbing elbows with the Marcoses, the Ejercito-Estradas, the Binays, the Enriles, and the Arroyos, at pinapaburan o nage-engage in out-of-court settlements with his campaign contributors na gaya nina Dennis Uy (Phoenix), Alexander Wongchuking (Mighty Corp.), Lucio Tan, Janet Napoles, at Manny Pacquiao?

Sa two and a half years na pamumuno ni Tatay Digong mo, he is able to effectively polarize the nation. Niyayakap na ngayon ng mga mamamayan ang cultures of hate, violence, and fear. Dahil sa kanyang crude speech, notoriety, mediocrity, at incompetence, nagiging laughing stock na tayo ng buong mundo. Our moral values have deteriorated and our moral fiber as Filipinos is now corrupted. Naghahari na sa karamihan sa atin ang kawalan ng respeto, ng dignidad, ng integridad, ng disiplina, at ng moralidad. Bilang lipunan, nawawala na ang ating moral compass.

Ngayon, sa dinami-rami ng mga patunay, hindi ka pa rin ba naniniwalang ENABLER si Tatay Digong mo?