Ito si Pilo.
May pagmamalaking tinatawag ang sarili na “Anak ng Tundo.”
Ina niya ay dating kasambahay.
Ama niya ay dating tindero at mensahero.
Sipag. Sikap. Talino.
Ang kanyang mga naging sandata sa paggapi sa kahirapan.
Iskolar at working student.
Gradweyt siya ng Economics sa UST.
Nagtapos ng Law sa UP College of Law.
Bar topnotcher noong 1999.
Kumuha ng Masters of Law sa Yale Law School.
Hindi nagpayaman bilang Abogado de Campanilla.
Sa halip, pinili niya ang maglingkod sa bayan.
Nagtrabaho siya sa Bantay Katarungan, isang anti-corruption group.
Nahasa siya sa ilalim ng statesman na si Jovito Salonga.
Nagtrabaho siya para kay retired SC Justice Vicente Mendoza, isang magiting na Constitutionalist.
Nagturo ng Batas sa UP sa loob ng 18 taon.
Itinalagang Solicitor General noong 2014.
Ipinagtanggol ang Reproductive Health Law sa Supreme Court.
Nabawi ang P71-B coconut levy funds para sa gobyerno.
Pinangunahan ang legal team na nagpapanalo ng ating arbitration case vs China over the West Phil. Sea.
Legal counsel nina Sen. Leila de Lima at Sen. Sonny Trillanes.
Walang takot na kritiko ng mga polisiyang anti-people at anti-law.
Ngayon ay kumakandidato para sa Senado.
Walang pera. Walang koneksiyon. Walang impluwensiya.
Hindi sikat.
Hindi galing sa political family.
Integridad.
Abilidad.
Kredibilidad.
Tinig ng mga api at ng mga nasa laylayan.
Kalaban ng korapsyon.
Bantay ng Konstitusyon.
Kampyon ng sobaranya.
Para kay Pilo Hilbay, walang pangarap na imposible!
Buong suporta para kay Pilo. Sya ang dapat na popular sa balota
LikeLike