An Open Letter to senator Cynthia Villar

Dear senator Cynthia Villar,

Meet Aling Elvira.

Kagaya mo, isa rin siyang maybahay.

Kagaya mo, may mga anak din siya.

Kagaya mo, mahal niya rin ang lupa.

Magkapareho kayo, pero magkaiba rin sa maraming bagay.

Siya, asawa ng isang hamak na magsasaka; Ikaw, ng isang business tycoon na, ayon sa Forbes Magazine, ay ang pinakamayamang tao sa Pilipinas ngayon.

Siya, pinuproblema pa ang araw-araw na pagpasok ng mga anak sa eskwela. Ikaw, graduate na sa mga prestigious universities ang mga anak mo at ngayon ay may marangya nang pamumuhay (si Mark bilang DSWD Secretary, si Paolo bilang Chairman, Pres. o CEO ng iba’t-iba ninyong kumpanya at asawa ng isang partylist representative, at si Camille bilang Congresswoman ng Las Pinas).

Siya, sapat na suporta sa local farmers ang hinihingi; Ikaw, bilang second biggest importer of rice sa bansa ang pamilya mo, unimpeded importation of rice naman ang isinusulong.

Siya, ang nais lang ay huwag nang masadlak pa sa mas malalim na kumunoy ng kahirapan; Ikaw, ang mas mapalago pa ang inyong multi-billion business empire.

Siya, umaasa sa mga lingkod-bayan na inihalal nila para matulungan sila sa kanilang payak na pamumuhay; Ikaw, nasa iyong mga kamay ang kapalaran nila.

Capture00

Oo, senator Villar. Dahil sa RA 11203 o Rice Tariffication Law na isinulong mo sa Senado bilang Chairman ng Committee on Agriculture, mas lalong nawalan ng kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Plano niya nang mamasukan bilang kasambahay, habang ang asawa niya ay iiwan na ang pagsasaka para humanap ng mas “stable” na trabaho.

Dahil po sa Rice Tariffication Law, dumagsa ang imported rice sa bansa na naging dahilan ng pagsadsad ng farmgate price ng palay. Ang average cost of producing palay ay P12 kada kilo. Ngayon, napipilitan ang mga magsasaka natin na ibenta ang kanilang ani sa presyong bumababa sa P7 kada kilo. Kung hindi nila ibibenta sa ganun kababang presyo ang kanilang ani, hindi ito mabibili. Mamamatay sila sa gutom.

Nasa tinatayang 200,000 magsasaka na ang tumigil sa pagbubungkal ng lupa dahil sa takot ng pagkalugi.

4,000 rice millers na rin ang nagsara.

Before RA 11203 was passed into law, ang binitawang pangako sa mga pangkaraniwang consumers na kagaya namin ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado from P7-P10 per kilo. Noong July 2016, nasa P41.68 ang kada kilo ng bigas. Noong July 2017, nasa P41.89. Noong July 2018, nasa P44.69. Ngayong July 2019, nasa P42.86. Ang presyo pong ‘yan is lower by just P1.83 compared to the previous pro-RA 11203 price. Hindi lubusang bumaba ang presyo ng imported rice dahil mga rice cartels at traders lang ang kumikita nang malaki.

Sabagay, kung tutuusin, mas maganda pa ang kalagayan ng mga magsasakang hirap sa buhay kumpara sa mga magsasaka sa Negros na tinatakot, ginigipit at pinapatay –kung hindi man ng mga may-ari ng lupa, ay ng mga militar.

Sen. Villar, kapag tuluyan nang iniwan ng ating mga magsasaka ang pagsasaka, we will have a bigger problem as far as our food security is concerned. Magiging mas malala ang ating insurgency problem dahil mas mabilis na sila ngayong maeengganyo na mamundok na lang out of hopelessness. More children will drop out of school, baka tumaas ang incidence of prostitution, at there will surely be a rise in conversions of agricultural lands to subdivisions and commercial buildings.

Mga negosyong kagaya lang ng Vista Land, Camella Homes, Golden Bria, Golden Haven Memorial Park, Starmalls, at iba pa ang makikinabang sa lupa.

That’s what I was referring to when I mentioned na mahal mo rin ang lupa, senator Villar.

Sa lupa kasi nakaangkla ang majority ng mga negosyo ng pamilya mo. Mula sa housing, condo at commercial buildings, shopping malls, memorial parks at mining, may heavy investments kayo. When the farmers decide to sell their lands, lagi kayong handang “tumulong.”

Malaking bagay talaga na ikaw ang chairman ng Senate Committee on Agriculture, habang ang panganay mo naman ang Secretary ng DPWH. Mas madali para sa inyo ngayon na i-duplicate ang ginawa dati ng asawa mo with the C-5 Road project, ‘di po ba?

We used to wonder why a family like yours with a successful and legitimate business would want to venture and eventually be submerged in the murky waters of politics. Now, we know why.

Hinay-hinay lang po, senator Villar. Ayon nga kay Romulo Neri, “Moderate your greed.”

That’s all for now, senator Villar. Goodluck to you!

Nagpapaalala lang po,

Ang Taumbayan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s