An Open Letter to Bongbong Marcos

Dear Bongbong Marcos,

Grabeng pagnanakaw na ang ginawa ng pamilya ninyo nang kayo pa ang mga diktador na nakaupo sa Malacañang. Nang bumalik kayo mula sa Hawaii, grabeng pagnanakaw na naman ang ginawa ninyo sa Ilocos. Nang naging senador ka, grabeng pagnanakaw pa rin ang ginawa mo sa iyong pork barrel.

Ngayon, pati ang Vice Presidency, gusto mong nakawin?!!!

Kahit gaano man karami ang pera ninyo, na kasama pa rin sa kayamanang nakulimbat ng inyong pamilya sa kaban ng bayan, dapat mo nang itigil ang kahibangang ito!

Tapos na ang recount sa tatlong pilot provinces na ikaw mismo ang namili. At matapos ang nasabing recount, mas tumaas pa ang bilang ng mga boto para kay VP Leni. Mas lumaki pa ang lamang n’ya sa iyo.

Ayon po sa rules ng Presidential Electoral Tribunal, sa ganung pagkakataon na walang nakuhang substantial recovery ang nagrereklamo, marapat na ipag-utos na nito ang dismissal o pagbasura sa nasabing electoral protest.

Pero, knowing you and your family, you won’t let that happen without a fight, di po ba? Or, to put it more bluntly, you won’t let that happen without pulling some strings using your considerable wealth.

Hindi ko talaga alam kung saan ninyo nakukuha ang kakapalan ng mukha ninyo!

Dapat ka nang mag-move on, Sir.
Dapat mo nang tanggapin ang iyong pagkatalo.
Dapat mo nang pakinggan ang boses at hatol ng taumbayan.

Si Leni Robredo ang aming –ang ating!– totoong VP!

Si Leni Robredo ang tinig ng mamamayan, lalo na ng mga nasa laylayan!

Si Leni Robredo ang nag-iisa at lihitimong Bise Presidente ng Pilipinas, at wala nang iba pa!

That’s all for now, Bongbong. Goodluck to you!

Nanggigigil sa pamilya nyo,
Ang Taumbayan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s