An Open Letter To Usec. Nicanor Faeldon

Dear Usec. Nicanor Faeldon,

I’m sure, you’ve been asking yourself, “Bakit naman ganun si Sen. Hontiveros? Why would she think that I will resign from my post as the BuCor chief?”

It’s not as if you committed serious blunders and grave sins naman, right?

Or that you’ve been incompetent in the performance of your job.

You attended the Senate committee hearing seemingly unprepared, so you had to constantly depend on your staff to answer the Senators’ queries.

On your watch, pinakawalan ang tatlo sa mga nang-rape at pumatay sa Chiong sisters noong 1997. Pati na rin ang ilang big-time Chinese drug traffickers. And, if not because of the massive public outrage –both online and in the streets, malamang nagpapa-party na rin ngayon sa labas ng kulungan si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez who was sentenced to 7 counts of reclusion perpetua for masterminding in 1993 the abduction, rape and murder of Eileen Sarmenta and her companion, Allan Gomez.

All these, sa kabila ng nakasaad sa GCTA Law na exempted sa mga makikinabang sa batas ang mga convicts who have been “recidivists, habitual delinquents, escapees and those charged with heinous crimes.”

Huwag na po nating banggitin ang mga bintang that you accepted bribes from those convicts who were released early dahil sa nasabing batas, or ang pagpatay recently sa isang jail official who was in charge of safekeeping the documents in the bureau kasama ang mga release papers nina Sanchez at ng mga drug traffickers that you signed.

Before you were transferred to the Bureau of Corrections in November 2018, you were appointed to two other government positions.

At, doon, your service was also tainted by controversies of corruption and incompetence.

duterte-faeldon-risa-1

As the chief of the Bureau of Customs, you allegedly received a welcome gift of P107 million when you assumed the meaty position. May mga allegations din na nakinabang ka nang malaki sa controversial na “tara” system sa bureau. Ang anomalya na kinasangkutan mo that really thrust you into the limelight, however, ay ang bilyun-bilyong halaga ng shabu from China na nakapuslit sa Customs right under your nose.

Lumabas na there was clearly conspiracy in bringing that 6.4 billion worth of shabu shipment into the country. Ang sabi pa nga ni Sen. Gordon, dalawang bagay lang ‘yun. As the BoC chief, you were either grossly incompetent or corrupt.

I was inclined to say, “Both.”

Hindi pa man natatapos ang mga imbestigasyon sa nasabing shabu shipment, you were reappointed by Malacañang as deputy administrator in the Office of Civil Defense.

When asked about the seeming haste to reappoint you to another government post, Andanar said that it was to give you the chance to prove your critics wrong.

Wow, napakalakas mo talaga sa presidente, Sir!

Ang iba nating mga kababayan, mapaghinalaan lang na drug user, natu-tokhang na. Maisabit lang sa katiwalian, nasisipa na sa serbisyo.

Pero, ikaw, binigyan pa ng chance na linisin ang iyong pangalan.

Pangalang pati ang iyong anak na si Nicanor Faeldon, Jr. ay walang patumanggang sinira when he was nabbed in Bicol last December and charged with “maintaining a drug den.”

Sana, Sir, ire-consider mo ang naging sagot mo sa tanong ni Sen. Hontiveros because, quite frankly, isa ka sa mga patuloy na nagpapatunay that, under this administration, pawang rhetorics lang ang mga statements na “I hate drugs!” at “I have zero tolerance for corruption!”

That’s all for now, Usec. Faeldon. Goodluck to you!

 

Nagpapayo lang po,

Ang Taumbayan

Advertisements

An Open Letter to senator Bato Dela Rosa

Dear senator Bato,

Ang sabi mo, marapat lang na bigyan ng “second chance” si Ex-Mayor Antonio Sanchez, lalo pa nga’t ang nakarating na impormasyon sa iyo is that he is now “a changed man.”

Ito po ang tugon ko sa inyo.

19 years old si Eileen Sarmenta when she was kidnapped, raped countless times, and brutally murdered in 1993. Ang master mind, ang dating Mayor ng Caluan Laguna na si Antonio Sanchez, ay napipintong pakawalan mula sa kulungan dahil di-umano sa kanyang good conduct.

1

Before I shout for everyone to hear na si Antonio Sanchez is a monster –isang demonyo na nagkatawang-tao!—let me refresh your memory. Balikan natin kung ano nga ba ang mga naganap noong gabi ng June 28, 1993.

Eileen and her confraternity brod, Allan Gomez, were inside a Tamaraw van na naka-park sa harap ng Cafe Amalia hindi kalayuan mula sa UP Los Baños kung saan sila parehong nag-aaral. 8 lalaki, mga tauhan ni Mayor, na lulan ng isang ambulansya ang pwersahang tumangay kina Eileen at Allan pati na rin sa sinasakyan nilang van, binusalan ang kanilang mga bibig, itinali ang kanilang mga kamay, at dinala sila sa farm na pag-aari ni Mayor.

Ayon sa isang tauhan, nakilala at natipuhan ni Mayor si Eileen matapos siyang interbyuhin ng huli para sa isang school paper. Ang kanilang salita when they presented Eileen to Mayor Sanchez, “Mayor, ito ang regalo namin sa iyo. Ang babaeng natipuhan mo.”

Ipinasok sa resthouse ang dalawang teenagers –si Eileen, diretso sa kwarto ni Mayor, habang si Allan ay walang-habas na binugbog ng mga tauhan nito hanggang sa mawalan ng ulirat.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang pahilang inilabas ng resthouse si Eileen. Magulo ang buhok, may busal sa bibig, nakatali ang mga kamay, at walang pang-ibabang saplot. Lumabas si Mayor at pinasalamatan ang kanyang mga tauhan for their gift. “Tapos na ako sa kanya. She’s all yours,” ang nakangising dagdag niya.

Isinakay sa van ang dalawa. Nakasunod sa van ang ambulansya.

En route to their destination, nagpagewang-gewang ang van, tapos, may narinig na putok ng baril mula sa loob. Huminto ito sa gilid ng kalsada at hinilang palabas ng sasakyan ang duguang si Allan. Inihagis siya sa tabi at muling binaril gamit ang armalite.

Doon iniwan ang kanyang katawan ng umarangkadang ambulansya at van.

2
Eileen Sarmenta and Allan Gomez

Nang marating nila ang kanilang destinasyon na isang sugarcane field o tubuhan, sinabi ng isang tauhan, “Turbohin na rin natin ang tinurbo ni Boss!” He was referring to Eileen.

Sa likod ng van, habang ang mga kamay at paa niya ay papigil na hawak ng mga lalaki, halinhinan siyang ginahasa ng anim. Nagmamakaawa si Eileen na tama na, hindi niya na kaya, pero bingi sa kanyang pagsusumamo ang mga hayok sa laman na tauhan ni Mayor.

Nang tapos na sa kanya ang anim, lumuhod si Eileen at nagmakaawang huwag siyang patayin. Pero, muli, bingi sa kanyang pagsusumamo ang mga kriminal na tauhan ni Mayor.

Binaril siya sa mukha gamit ang armalite na ipinangpatay kay Allan.

Sumakay ang anim sa ambulansya at iniwan nila sa tubuhan ang Tamaraw van na kinalululanan ng katawan ni Eileen.

Yurak.

Duguan.

Walang buhay.

Habang nasa sasakyan, masaya pa nilang pinagkwentuhan ang mga karumal-dumal nilang ginawa ng gabing yun.

Kinabukasan, isa sa mga tauhang ‘yun ni Mayor ang kasama sa nag-imbestiga sa kaso. Siya ang nakaupong deputy chief of police ng Calauan.

Ngayon, sabihin mo sa akin, Sen. Bato.

Hindi ba demonyong maituturing si Antonio Sanchez at ang kanyang mga tauhan?

Kung kayo ang magulang ni Eileen o ni Allan, ano ang mararamdaman mo kung may magsasabi sa iyo that the mayor deserves a second chance?

Papayagan mo bang makasalamuhang muli sa ating mga komunidad ang kagaya ni Antonio Sanchez at ng kanyang mga tauhan?

Good conduct ikamo?

In 2006, a complaint was filed against him for possessing shabu and marijuana inside his jail cell.

In 2010, 1.5M worth of shabu was confiscated inside his cell during a random check. Nagpositibo rin siya sa drug test.

In 2015, nahulihan siya ng mga contrabands katulad ng aircon, flat-screen tv at ref.

Hindi niya rin binayaran ang mga Sarmenta at Gomez ng mahigit 12.6M na civil indemnity na itinakda ng korte.

Higit sa lahat, not even once did he show even an iota of remorse para sa heinous crimes that he orchestrated and committed. In fact, hanggang ngayon, he maintains na inosente siya sa mga ibinibintang sa kanya!

The Pasig City Regional Trial Court judge, na nagsabing it was “a plot seemingly hatched in hell,” ang nagbaba ng hatol kay Mayor na 7 terms of reclusion perpetua. Idagdag pa riyan ang 2 terms of reclusion perpetua rin na inihatol sa kanya para sa murder ng mag-amang Nelson at Rickson Peñalosa, supporters ng political opponent ni Mayor.

9 life sentences. Ang reclusion perpetua ay nangangahulugan ng pagkakakulong ng hanggang 40 years.

You do the math.

Makatarungan bang palayain siya after only 24-26 years in prison?

Isa pa, accdg to RA 10592 (or the Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, “recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage of this Act.” Ang rape at murder po are both considered heinous crimes. At si Sanchez ay habitual delinquent bilang preso.

3
Salvador Panelo was one of Sanchez’s defense lawyers in the 1993 rape-murder case of UPLB student Eileen and the torture and death of her companion Allan Gomez.

Huwag na nating banggitin dito na ang abogado ni Mayor Sanchez noon ay ang kagalang-galang na presidential spokesperson ngayon na si Sal Panelo. Wala naman daw kasing bearing yun.

That’s all for now, senator Bato. Goodluck to you!

 

Nagpapaalala lang po,

Ang Taumbayan