OPERATION PROTECT VP LENI

Barely a week after VP Leni accepted Duterte’s appointment to an ICAD co-chair post, she has been bombarded — relentlessly, maliciously, callously, and systematically — by hateful remarks coming from this administration’s fanatics, bullies, sycophants, and trolls.

Bong Go said na “ibi-baby” lang ni VP Leni ang mga drug lords.

Sir, ilang beses bang kailangang ulitin ni VP na ang gusto niya talagang habulin ay ang mga drug lords pati na ang kanilang coddlers/protectors, at hindi lang ang mga small-time pushers sa kanto? Gusto niyang papanagutin sa batas ang mga kagaya nina kumpareng Peter Lim, ang mga beshies na sina Charlie Tan at Kenneth Dong, sina Albayalde at ang mga ninja cops, at sina Faeldon at ang mga tiwali sa BOC na nagpapasok ng tone-toneladang shabu mula sa China. If she gets lucky, baka malaman din nating lahat kung sinu-sino, in the president’s circle, ang involved sa Chinese drug triad at ang may mga itinatagong yaman na katas ng illegal drug trade sa bansa.

According to Bato Dela Rosa, hindi pwedeng “magpacute-cute” lang si VP Leni sa giyerang ito. Dapat daw, nasa “forefront” siya; that she should join in the anti-drug raids and operations.

Although sinabi na ni VP that she is willing to join kung hindi makakasagabal sa mga operasyon ang kanyang presensya, hindi ba ironic, Sen. Bato, na sa iyo pa ito manggagaling? Sino ba ang mahilig magpa-cute? Sino ba ang mahilig umiyak at magpaawa? Sino ba ang, sa pag-usok lang ng firecracker, ay kumaripas na ng takbo like a dog with its tail between its legs? Sino ba ang, kahit minsan, ay hindi naman sumama sa Tokhang operations when he was still the PNP chief? (Huwag pong mapipikon, Sir. I’m just asking.)

74627110_2545361255546440_4918615496774909952_n

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, VP Leni is starting “on the wrong mouth,” na ang Operation Tokhang daw ay naging Operation All-Talk based sa dalas na laman si VP ng mga balita.

Si Sir naman, threatened kaagad. Lagi ka rin naming nasa news nang nakasilip ng bilyon-bilyong insertions sa proposed national budget si Sen. Lacson, di ba? Gayun din when the House asked for additional P1.6 billion budget for your additional deputy speakers and additional vice chairpersons. And, for your information po, Sir, sa iilang araw pa lang ni VP Leni sa kanyang bagong position, she was already able to meet with her ICAD colleagues. Nakipag-usap na rin siya sa mga miyembro ng Community-based Drug Rehabilitation Alliance (COBRA), at nakipag-coordinate sa United Nations. Nakabuo na rin siya ng mga concrete plans involving the anti-illegal drug campaign. (Read Pinoy Ako Blog’s Mga Plano ni VP Leni Robredo Bilang Anti-Drug Czar.)

Si Jay Sonza naman, walang tigil sa kanyang efforts na magpapansin sa administrasyong Duterte. Ang sabi niya, co-chair lang daw si VP Leni. Saling-pusa lang at dakilang alalay.

Alam mo, Mr. Sonza, iyan yata ang dahilan why, up to now, sa kabila ng pagtalikod mo sa kagandahang-asal and making a career out of peddling fake news and promoting hate just so you’ll get noticed, ay hindi ka pa rin nabibigyan ng pwesto sa gobyerno. Hindi ka kasi aligned sa kanila. Nagpahayag na ng suporta ang Malacanang kay VP Leni at sa kanyang mga plano as the ICAD co-chair. May access na rin daw siya sa drug war documents at intel. Most importantly, Spox Panelo said that the VP should be given enough space to do her job. You were not listening, ha, Mr. Sonza.

Isa pa itong si Mocha Uson. Sanay daw kasi sa meryenda si VP kaya mas inuuna pa ang presscon kaysa sa trabaho. Honestly, hindi ko gets ang relation between the two. If she was insinuating that the VP is just after the free meals during presscons, I dare say that she has absolutely no idea how our Vice President is so conscientious in spending the meager budget allotted to her office. She is aware na every centavo entrusted to her by the Filipino people ay katumabas ng pawis, mahabang oras sa trabaho at traffic, at matinding stress at pagod ng bawat isang tax payer. Hindi katulad niya na sanay maging free-rider sa mga junkets ni Tatay nya. Na ang P155,000 per month na sweldo nya ay sinusuklian niya lang ng mga blog (aka propaganda) articles na hango sa kasinungalingan at half-truths.

Hindi sila nakuntento that VP Leni was forced to quit her cabinet post in 2016 dahil sa kanyang matatag na paninindigan against EJKs. That VP Leni has to rely heavily on her partners from the private sector just to implement her anti-poverty programs dahil nga sa maliit na budget na nakukuha ng kaniyang tanggapan. That VP Leni is continuously maligned with fake news about her personal life. That VP Leni has to simultaneously face sedition charges and BBM’s electoral protest – all in an insidious attempt to get rid of her.

VP Leni is the only hindrance to a Duterte-Marcos evil tandem. And as long as she remains the Vice President, they would always see her as a great threat. That’s why they would do anything and everything para tuluyan siyang mawala sa kanilang landas – even offer her a position that may be riddled with traps that they can use to impeach her.

Manatili tayong maging matatag at mapagmatyag.

Lagi tayong maging handa sa lahat ng posibilidad.

LET US PROTECT OUR VP AT ALL COSTS.

An Open Letter to senator Bato Dela Rosa (about hazing in PMA)

Dear senator Bato,

You said that the death of PMA freshman cadet Darwin Dormitorio due to hazing was “another case of shattered dreams.” In the same breath, though, you defended hazing for making you the person that you are today. Ang sabi mo pa nga, mandatory ang hazing sa military academies because the students there should be toughened up since they are being trained to be warriors. Kung sa civilian universities nga kamo, may hazing, sa military academies pa kaya?

Sir, let me get this straight.

May ipinapatupad at sinusunod po tayo ngayong anti-hazing law. In fact, just last year, pinirmahan ni pres. Duterte ang Anti-Hazing Act of 2018, an amendment to RA 8049 of 1995, “that prohibits all forms of hazing and imposes harsher penalties on hazing death.”

As a senator po na tagagawa ng mga batas, you should serve as a role model in obeying the law of the land. Ang batas ay batas — no whats, no ifs, no buts. Just because hazing is deeply embedded in the culture of the Philippine Military Academy doesn’t mean that PMA is exempted from that law.

Huwag n’yo pong tularan ang taong ito.
Capture

You also said that Dormitorio’s death is an isolated case.

Even if we believe that, Sir, which we don’t, you should also realize that one death is already one death too many. Each life is precious, at hindi dapat kinikitil through senseless deaths kagaya ng hazing. Or ng tokhang.

Hazing is an act of cowardice and is the worst form of bullying. It is a primitive practice that should have no place in the present modern and sophisticated times. It also promotes a culture and vicious cycle of violence, and is a deadly chain that should be broken.

Isa pa, hazing is a dangerous and fatal tradition that already killed many promising young people with big dreams and bright futures. Natatandaan n’yo po ba sina Lenny Villa, Marc Andre Marcos, Horacio “Atio” Castillo, at marami pang iba?

 

This slideshow requires JavaScript.

Darwin Dormitorio’s case, however, should not be considered an accidental death due to hazing. It is clearly a case of torture with an intent to kill.

Imagine, his pancreas, kidneys and liver were crushed. His testicles were electrocuted. And his ribs bore signs of being stricken with a metal rod. He was even kicked in the head countless times shortly after being released from the hospital! Ano kaya ang gagawin mo, Sir, kung ikaw ang magulang ni Darwin? You brought him to PMA to be a soldier yet, after just two months, you are holding in your arms his cold, lifeless body. A self-confessed cry baby that you are, baka nagngangangawa ka na ngayon.

(PMA po yata ang mas dapat nyong pabantayan, Sir, hindi ang mga state universities na, ayon sa iyo, have students that are being brainwashed by the communists.)

Clearly, PMA is not a training ground for warrior-wannabes. It is a torture chamber that coddles animals!

Look at you. Due to the numerous hazings that you were made to endure when you were in PMA, you are now akin to a killing machine. Para sa iyo, pagpatay lang ang epektibong solusyon sa mga problema ng lipunan. Obviously, hazing also managed to loosen some screws in your brain and was able to mold you into the (moronic) senator that you are now.

Finally, if you truly believe that hazing is an effective practice in instilling discipline, why don’t you pass a bill requiring all politicians to undergo such? Initiation by hazing should do all of you some good.

That’s all for now, senator Bato. Goodluck to you!

Nagli-lecture lang po,
Ang Taumbayan

An Open Letter to senator Bato Dela Rosa (about a second chance for Ex-Mayor Antonio Sanchez)

Dear senator Bato,

Ang sabi mo, marapat lang na bigyan ng “second chance” si Ex-Mayor Antonio Sanchez, lalo pa nga’t ang nakarating na impormasyon sa iyo is that he is now “a changed man.”

Ito po ang tugon ko sa inyo.

19 years old si Eileen Sarmenta when she was kidnapped, raped countless times, and brutally murdered in 1993. Ang master mind, ang dating Mayor ng Caluan Laguna na si Antonio Sanchez, ay napipintong pakawalan mula sa kulungan dahil di-umano sa kanyang good conduct.

1

Before I shout for everyone to hear na si Antonio Sanchez is a monster –isang demonyo na nagkatawang-tao!—let me refresh your memory. Balikan natin kung ano nga ba ang mga naganap noong gabi ng June 28, 1993.

Eileen and her confraternity brod, Allan Gomez, were inside a Tamaraw van na naka-park sa harap ng Cafe Amalia hindi kalayuan mula sa UP Los Baños kung saan sila parehong nag-aaral. 8 lalaki, mga tauhan ni Mayor, na lulan ng isang ambulansya ang pwersahang tumangay kina Eileen at Allan pati na rin sa sinasakyan nilang van, binusalan ang kanilang mga bibig, itinali ang kanilang mga kamay, at dinala sila sa farm na pag-aari ni Mayor.

Ayon sa isang tauhan, nakilala at natipuhan ni Mayor si Eileen matapos siyang interbyuhin ng huli para sa isang school paper. Ang kanilang salita when they presented Eileen to Mayor Sanchez, “Mayor, ito ang regalo namin sa iyo. Ang babaeng natipuhan mo.”

Ipinasok sa resthouse ang dalawang teenagers –si Eileen, diretso sa kwarto ni Mayor, habang si Allan ay walang-habas na binugbog ng mga tauhan nito hanggang sa mawalan ng ulirat.

Bandang ala-una ng madaling-araw nang pahilang inilabas ng resthouse si Eileen. Magulo ang buhok, may busal sa bibig, nakatali ang mga kamay, at walang pang-ibabang saplot. Lumabas si Mayor at pinasalamatan ang kanyang mga tauhan for their gift. “Tapos na ako sa kanya. She’s all yours,” ang nakangising dagdag niya.

Isinakay sa van ang dalawa. Nakasunod sa van ang ambulansya.

En route to their destination, nagpagewang-gewang ang van, tapos, may narinig na putok ng baril mula sa loob. Huminto ito sa gilid ng kalsada at hinilang palabas ng sasakyan ang duguang si Allan. Inihagis siya sa tabi at muling binaril gamit ang armalite.

Doon iniwan ang kanyang katawan ng umarangkadang ambulansya at van.

2
Eileen Sarmenta and Allan Gomez

Nang marating nila ang kanilang destinasyon na isang sugarcane field o tubuhan, sinabi ng isang tauhan, “Turbohin na rin natin ang tinurbo ni Boss!” He was referring to Eileen.

Sa likod ng van, habang ang mga kamay at paa niya ay papigil na hawak ng mga lalaki, halinhinan siyang ginahasa ng anim. Nagmamakaawa si Eileen na tama na, hindi niya na kaya, pero bingi sa kanyang pagsusumamo ang mga hayok sa laman na tauhan ni Mayor.

Nang tapos na sa kanya ang anim, lumuhod si Eileen at nagmakaawang huwag siyang patayin. Pero, muli, bingi sa kanyang pagsusumamo ang mga kriminal na tauhan ni Mayor.

Binaril siya sa mukha gamit ang armalite na ipinangpatay kay Allan.

Sumakay ang anim sa ambulansya at iniwan nila sa tubuhan ang Tamaraw van na kinalululanan ng katawan ni Eileen.

Yurak.

Duguan.

Walang buhay.

Habang nasa sasakyan, masaya pa nilang pinagkwentuhan ang mga karumal-dumal nilang ginawa ng gabing yun.

Kinabukasan, isa sa mga tauhang ‘yun ni Mayor ang kasama sa nag-imbestiga sa kaso. Siya ang nakaupong deputy chief of police ng Calauan.

Ngayon, sabihin mo sa akin, Sen. Bato.

Hindi ba demonyong maituturing si Antonio Sanchez at ang kanyang mga tauhan?

Kung kayo ang magulang ni Eileen o ni Allan, ano ang mararamdaman mo kung may magsasabi sa iyo that the mayor deserves a second chance?

Papayagan mo bang makasalamuhang muli sa ating mga komunidad ang kagaya ni Antonio Sanchez at ng kanyang mga tauhan?

Good conduct ikamo?

In 2006, a complaint was filed against him for possessing shabu and marijuana inside his jail cell.

In 2010, 1.5M worth of shabu was confiscated inside his cell during a random check. Nagpositibo rin siya sa drug test.

In 2015, nahulihan siya ng mga contrabands katulad ng aircon, flat-screen tv at ref.

Hindi niya rin binayaran ang mga Sarmenta at Gomez ng mahigit 12.6M na civil indemnity na itinakda ng korte.

Higit sa lahat, not even once did he show even an iota of remorse para sa heinous crimes that he orchestrated and committed. In fact, hanggang ngayon, he maintains na inosente siya sa mga ibinibintang sa kanya!

The Pasig City Regional Trial Court judge, na nagsabing it was “a plot seemingly hatched in hell,” ang nagbaba ng hatol kay Mayor na 7 terms of reclusion perpetua. Idagdag pa riyan ang 2 terms of reclusion perpetua rin na inihatol sa kanya para sa murder ng mag-amang Nelson at Rickson Peñalosa, supporters ng political opponent ni Mayor.

9 life sentences. Ang reclusion perpetua ay nangangahulugan ng pagkakakulong ng hanggang 40 years.

You do the math.

Makatarungan bang palayain siya after only 24-26 years in prison?

Isa pa, accdg to RA 10592 (or the Good Conduct Time Allowance (GCTA) law, “recidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage of this Act.” Ang rape at murder po are both considered heinous crimes. At si Sanchez ay habitual delinquent bilang preso.

3
Salvador Panelo was one of Sanchez’s defense lawyers in the 1993 rape-murder case of UPLB student Eileen and the torture and death of her companion Allan Gomez.

Huwag na nating banggitin dito na ang abogado ni Mayor Sanchez noon ay ang kagalang-galang na presidential spokesperson ngayon na si Sal Panelo. Wala naman daw kasing bearing yun.

That’s all for now, senator Bato. Goodluck to you!

 

Nagpapaalala lang po,

Ang Taumbayan

AN OPEN LETTER TO MY TATAY DIGONG

Dear Tatay  Digong,

Marami po akong naririnig na negative things na sinasabi nila laban sa iyo at, bilang isa sa iyong 103-milyong mga anak, nasasaktan ako. Sino po ba namang anak ang gugustuhing matawag ang kanyang ama na psychopath, sociopath, demagogue, misogynist, pathological liar, murderer at plunderer? Wala po siguro. Subalit, ngayon, halos buong mundo ang tumutuligsa sa iyo dahil sa inyong mga kilos at pananalita. At, sadly, pati ang pagtingin nila sa ating bansa at sa mga Pilipino ay apektado.

Dati po, kilala ang Pilipinas bilang “Asia’s bastion of Christianity.” When foreigners would describe us, lagi nilang sinasabi na ang mga Pinoy ay mabait, masayahin, matulungin, madasalin at magiliw sa mga panauhin. Ngayon, may reputasyon na tayo bilang bastos, bayolente at kriminal.

Tatay, tanggap ko po na sanay kayo sa “gutter language.” Hindi nyo po inilihim sa amin ‘yan kahit na noong panahon ng kampanya. Pero nangako po kayo sa amin na, once elected at bilang respeto sa iyong posisyon bilang Ama ng Bansa, you will become dignified. Ang sabi mo pa nga, “cussing will be a thing of the past.” So, ano po ang nangyari? Mula sa Pope, sa mga Presidente at Ambassadors ng iba’t-ibang nasyon, hanggang sa mga journalists, human rights advocates, mga kalaban sa politika at kaparian — lahat sila ay nakatikim ng iyong infamous na pagmumura. Hanggang ngayon, sa mga public appearances nyo, hindi pwedeng hindi ka magmura.

Tinitingala ka namin, Tatay, at itinuturing na aming role model. Sana po, mas maganda ang mga naririnig naming salita mula sa ‘yo. Isa pa po, cursing the other heads of state will foster animosity between their countries and ours. Bilang isang third-world country pa naman, alam nyo po na hindi natin kayang mag-survive without the help of our allies. Hinay-hinay lang po, Tatay.

Sabi din po nila, wala kayong “Palabra de Honor.” Mahilig daw po kayong magbitiw ng mga pangakong alam nyo namang imposible nyong matupad.

Nangako kayo that you will “solve our traffic woes in 100 days.” Tatay, walong buwan na po kayo sa Malacanang pero ang traffic sa EDSA, lumala pa. Pangako nyo rin that you will fight “patronage politics” pero pinayagan nyo ang paglilibing kay Macoy sa Libingan Ng Mga Bayani, ang pagpapalaya kay GMA, ang pagpapatakas kay Peter Lim, ang pangangamkam ng China sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea, at ang pagtatalaga ng mga showbiz personalities sa gobyerno. Totoo po na lahat sila ay nakatulong sa iyong kampanya pero, sana po, huwag ma-compromise ang kapakanan ng bansa sa pagnanais nyong makabayad ng utang na loob sa kanila. Country above all else po dapat, hindi ba?

Galit po kayo sa corruption, at hinahangaan ko po kayo dahil diyan. Pinagbantaan nyo pa nga dati ang mga corrupt officials na ihahagis nyo sila mula sa helicopter in mid-air, di po ba? E bakit nasa gabinete nyo pa po si Justice Sec. Aguirre? Very obvious naman during the senate investigation na plano nyang mag-extort ng pera mula kina Jack Lam. Pumutok lang ang issue kaya naghugas-kamay na lang siya. Si Sen. Pacquiao, malaki po ang atraso nya sa BIR. At si Sen. Cayetano, saang kamay ng Diyos po kaya niya nakuha ang malaking pera that he donated for your campaign?

Itong si Sen. Trillanes po, he claims na may hawak siyang mga documents proving na nagkaroon ng around P2.2 billion in deposit transactions sa bank accounts nyo. Para po mapahiya at tuluyan nang manahimik si Trillanes, bakit hindi na lang po kayo pumirma at mag-issue sa mga banko nyo ng waiver ng bank secrecy? That would effectively put to rest all these corruption allegations against you, Tatay.

Just the other day, during the celebration of International Women’s Day, you vowed to uphold gender equality. Mapaninindigan nyo po ba talaga ‘yan, Tatay, o isa na naman ‘yan sa marami mong rhetorical statements? Alam naman nating lahat na lagi nyong ipinagmamalaki ang pagiging matinik nyo sa chicks, na kesyo kaya nyong pagsabay-sabayin ang ilang babae sa buhay nyo. Hindi po ba’t isa nga ‘yan sa mga dahilan kung bakit nag-file ng annulment of marriage ang dati nyong asawa?

During the campaign, napulaan kayo dahil sa insensitive nyong comment about the Australian missionary na ginang-rape at pinatay ng mga preso. Kumalat din ang mga pictures nyo na nagpapaupo kayo sa hita at nanghahalik ng mga female supporters nyo. Nang naging Pangulo naman kayo, isa sa mga unang naging kontrobersya laban sa inyo ay ang pagpito nyo sa isang female reporter during a press conference. Hayan tuloy, sa Hollywood tv show na “Madam Secretary,” pinalabas nilang bastos ang Presidente ng Pilipinas. Kahiya-hiya po tayo sa buong mundo. Pero hindi po natin sila masisisi. Depictment lang po iyun ng kung ano ang mga naisusulat at napapanood tungkol sa inyo.

You also seem intimidated by strong women, especially women who have the balls to stand up to you. Nariyan sina Sen. De Lima (na hindi kayo tinantanan for your alleged human rights violations mula noong kayo pa ang Mayor ng Davao), SC Chief Justice Sereno (na kinwestyun ang paglalabas mo sa publiko ng mga pangalan ng mga “narco-judges”), Ombudsman Carpio-Morales (na pinaghinalaan mong siyang nagbigay ng go-signal na isiwalat ang iyong di-umano’y multibillion-peso bank accounts noong panahon ng kampanya), VP Robredo (na walang-tigil sa pagpuna sa mga patayan under your War on Drugs) at UN Special Rapporteur Agnes Callamard (na gustong imbistigahan ang spate of unlawful killings na nangyayari under your administration). Dahil parang hindi nyo alam how to deal with strong women like them, you resort to insult and threat. Tila, you want to humiliate them. You want to break them. You want to silence them. You want to control them.

FILIPPINE_-_0510_-_Presidente
Photo credit: mironline.ca

Tatay, sa palagay nyo po ba, kung buhay pa ngayon ang inyong ina ay ikatutuwa niya ang mga ginagawa nyo sa mga kabaro nya? O ang pagpayag nyong mailibing sa LNMB ang diktador na si Marcos? Malamang po, hindi. Alam naman po natin na matapang niyang nilabanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law, di ba?

Siguro po, dahil sa pagtingala din sa inyo bilang kanilang ehemplo kaya may mga supporters kayo na nangharass online dati sa mga kabataang babae na nakilahok sa protest rally against the controversial Marcos burial. Tatay, ganyan kalaki ang inyong kapangyarihan at impluwensya sa amin. Kaya kung gusto nyong maging magalang kami, sana po, maging mabuting modelo ka sa amin.

During your speeches, lagi nyo rin pong sinasabi na alam nyo ang ginagawa nyo dahil kayo ay dating abogado. Pero sa bibig nyo na rin po nanggaling that, when you were a city prosecutor in Davao, you used to plant evidence to help the authorities when going after criminals. Tatay, hindi po ako abogado pero sigurado po ako na ang ganoong gawain ay labag sa batas. Alam ko rin po na may batas tayo laban sa bribery. So bakit hindi nyo po kinasuhan ang Mighty Corp na, ayon kay Mr. Salvador Panelo, ay sinubukan kayo dating suhulan? Katulad ng claim ni DA Sec. Manny Piñol na binigyan siya ng isang malaking agricultural company ng Rolex watch worth P450k, ng claim ni Justice Sec. Aguirre na sinuhulan diumano ni dating Sen. Jamby Madrigal at Binan Rep. Alonte ng P100 million ang mga convicted druglords to recant their testimonies against Sen. De Lima, at ng claim ni Sec. Andanar na binayaran daw ng $1,000 ang mga reporters who covered the presscon of self-confessed DDS leader Lascañas. Totoo po ba ang mga claims at allegations na ‘yun, o produkto lang lahat ng fake news?

Tatay, you are aware how sensitive the Filipinos are sa usapin ng Martial Law. Marami pa pong sugat ang hindi naghihilom mula sa madilim at mapanupil na mga taon ng pamumuno nina Marcos. Kaya, sana po, huwag mong gagamiting banta ang pagdi-declare mo ng Martial Law under any circumstance. Ginagawa mo kaming parang mga bata na tinatakot mo when we step out of line. Hindi po nakakatuwa ang ganun, Tatay.

Naniniwala po ako na matapang ka pero bahag daw po ang buntot mo kapag China na ang kaharap mo. During the campaign, ang sabi mo, magji-jet ski ka papuntang Spratly, itatanim mo ang bandila natin doon at hahamunin mo ang mga Intsik sa suntukan o barilan. Bakit po ganun? Ngayon na kinakamkam nila ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, biglang wala kayong magagawa dahil superpower sila? Tatay, teritoryo at kasarinlan po natin ang pinag-uusapan at ipinaglalabanan dito; ang lupain na iiwanan natin sa ating mga anak at sa kanilang mga anak. Huwag nyo naman pong isuko nang ganung kadali lamang ito lalo pa nga’t based on the ruling na ipinalabas noong isang taon ng Arbitral Tribunal ng United Nations, naipanalo po natin ang ating arbitration case against China. Tayo po ang may exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea!

Nang nagsalita kayo sa harap ng ating mga kababayan na nasa Myanmar, sinabi po ninyo that you are against same-sex marriage dahil ayon po sa inyo, aside from our Civil Code, Katoliko tayo. Kung saan po kamo tayo ipinwesto ng Diyos, dapat doon lang tayo. Seryoso ka ba sa statement mong ‘yun, Tatay, o nagbibiro ka lang? Dati po kasi, namumula ako sa ginagawa mong pagmumura at pambabatikos sa Simbahang Katolika. Tapos, ngayon, ang paniniwala ng Katolika ang gagamitin mong sandata laban sa apela ng mga members ng LGBT community? Isa pa po, ito ang linya nyo during the campaign, “Same sex marriage is good. Everyone deserves to be happy.” Ano po ang nangyari? Sinabi nyo lang ba yun dati to secure their votes? That is not so good, Tatay.

During that same speech, sinabi nyo rin po na safe na sa Pilipinas. Sa punto pong iyon, I’m sure na nagjo-joke lang kayo.

Let me remind you, Tatay, that under your War on Drugs, mahigit 7,000 na ang namamatay ayon sa official report ng PNP. May mga “suspected” drug offenders, may mga cases of mistaken identity, at may mga bystanders – either during legitimate police operations o by rogue police officers o vigilantes na masyadong siniseryoso ang call nyo to “slaughter them all.” Just today, I heard the news about a Chemical Engineering magna cum laude graduate from UP Los Banos na bigla na lang nawalang parang bula. Nag-aabang siya ng sasakyan at 4 am dahil first day of work nya sa kumpanyang inaplayan niya. Meron rin pong isang 20-year-old na lalaki ang dinukot ng mga naka-bonnet na assailants at isinakay sa isang van na walang plaka. Ang lalaking yun ay papunta lang sa drug store para bumili ng gamot dahil may sakit ang kanyang baby. Safe ba kanyo?

Alam nyo po, everytime na lumalabas ng bahay ang mga anak ko, kinakabahan at natatakot ako. Pero, bilang ina, ang kaya ko lang pong gawin ay ang pabaunan sila ng mga habilin: (1) Huwag makikipagtinginan sa mga pulis; (2) Lalayo sa mga naka-motorsiklo, lalo na kapag riding in tandem o nakasuot ng bonnet; (3) Kapag naka-witness sila ng krimen, tumakbo palayo; at (4) Kapag namamaga ang mata nila dahil sa magdamagang pagre-review, magsuot ng colored glasses. Mabuti na po ang nag-iingat, ‘di po ba? Baka mapagbintangan silang drug addict, bigla na lang itumba at takpan ng placard na nagsasabing, “Addict ako, huwag tularan.” Hindi ko po kakayanin kapag nangyari sa isa sa mga anak ko ang ganun.

Isa pa po sa mga naririnig ko is that you cannot tolerate criticism. Kaya nga po yata galit na galit kayo sa ipinadalang video message ni VP Leni sa UN Commission on Narcotic Drugs ay dahil isiniwalat nya ang mga totoong kaganapan sa bansa dahil sa inyong War on Drugs. Masyado kamong “atat” sa posisyon si VP. At part lang kamo ang lahat ng ‘yan (pati na rin ang Impeachment Complaint na inihain laban sa inyo) ng destabilization plot against your administration. Tatay, sa tingin ko po, hindi na kailangan ang ibang tao to destabilize your government. Kayo lang po — kasama ang inyong mga kaalyado na sina House Speaker Alvarez, Senate Pres. Pimentel, Justice Sec. Aguirre, PNP Chief Dela Rosa, Solicitor General Calida, Senators Pacquiao, Sotto, Gordon at Cayetano, mga appointees na sina Cesar Montano, Perfecto Yasay at Mocha Uson, at ang mga ka-DDS ko at mga bayarang trolls — ay sapat na to do the job effectively. Self-destructing nga raw po ang administrasyon nyo e.

Finally po, Tatay, nakikiusap ako sa inyo. Stop inciting emotional chaos. Temper your emotions lalo na kapag nasa harap kayo ng publiko. And don’t try to silence the opposition. Dapat nga po, you welcome dissent dahil ‘yun ang katunayan na buhay ang demokrasya sa ilalim ng iyong pamumuno.

‘Tay, I really hope and pray that you will soon start acting like the unifying and dignified President that you promised us you will be. The country deserves nothing less.

Nagmamalasakit,

Ang inyong anak

 

PS: Don’t forget to take your meds, Tatay. Nag-iiba ang timpla nyo kapag nakaka-miss kayo e.