AN OPEN LETTER TO MY TATAY DIGONG

Dear Tatay  Digong,

Marami po akong naririnig na negative things na sinasabi nila laban sa iyo at, bilang isa sa iyong 103-milyong mga anak, nasasaktan ako. Sino po ba namang anak ang gugustuhing matawag ang kanyang ama na psychopath, sociopath, demagogue, misogynist, pathological liar, murderer at plunderer? Wala po siguro. Subalit, ngayon, halos buong mundo ang tumutuligsa sa iyo dahil sa inyong mga kilos at pananalita. At, sadly, pati ang pagtingin nila sa ating bansa at sa mga Pilipino ay apektado.

Dati po, kilala ang Pilipinas bilang “Asia’s bastion of Christianity.” When foreigners would describe us, lagi nilang sinasabi na ang mga Pinoy ay mabait, masayahin, matulungin, madasalin at magiliw sa mga panauhin. Ngayon, may reputasyon na tayo bilang bastos, bayolente at kriminal.

Tatay, tanggap ko po na sanay kayo sa “gutter language.” Hindi nyo po inilihim sa amin ‘yan kahit na noong panahon ng kampanya. Pero nangako po kayo sa amin na, once elected at bilang respeto sa iyong posisyon bilang Ama ng Bansa, you will become dignified. Ang sabi mo pa nga, “cussing will be a thing of the past.” So, ano po ang nangyari? Mula sa Pope, sa mga Presidente at Ambassadors ng iba’t-ibang nasyon, hanggang sa mga journalists, human rights advocates, mga kalaban sa politika at kaparian — lahat sila ay nakatikim ng iyong infamous na pagmumura. Hanggang ngayon, sa mga public appearances nyo, hindi pwedeng hindi ka magmura.

Tinitingala ka namin, Tatay, at itinuturing na aming role model. Sana po, mas maganda ang mga naririnig naming salita mula sa ‘yo. Isa pa po, cursing the other heads of state will foster animosity between their countries and ours. Bilang isang third-world country pa naman, alam nyo po na hindi natin kayang mag-survive without the help of our allies. Hinay-hinay lang po, Tatay.

Sabi din po nila, wala kayong “Palabra de Honor.” Mahilig daw po kayong magbitiw ng mga pangakong alam nyo namang imposible nyong matupad.

Nangako kayo that you will “solve our traffic woes in 100 days.” Tatay, walong buwan na po kayo sa Malacanang pero ang traffic sa EDSA, lumala pa. Pangako nyo rin that you will fight “patronage politics” pero pinayagan nyo ang paglilibing kay Macoy sa Libingan Ng Mga Bayani, ang pagpapalaya kay GMA, ang pagpapatakas kay Peter Lim, ang pangangamkam ng China sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea, at ang pagtatalaga ng mga showbiz personalities sa gobyerno. Totoo po na lahat sila ay nakatulong sa iyong kampanya pero, sana po, huwag ma-compromise ang kapakanan ng bansa sa pagnanais nyong makabayad ng utang na loob sa kanila. Country above all else po dapat, hindi ba?

Galit po kayo sa corruption, at hinahangaan ko po kayo dahil diyan. Pinagbantaan nyo pa nga dati ang mga corrupt officials na ihahagis nyo sila mula sa helicopter in mid-air, di po ba? E bakit nasa gabinete nyo pa po si Justice Sec. Aguirre? Very obvious naman during the senate investigation na plano nyang mag-extort ng pera mula kina Jack Lam. Pumutok lang ang issue kaya naghugas-kamay na lang siya. Si Sen. Pacquiao, malaki po ang atraso nya sa BIR. At si Sen. Cayetano, saang kamay ng Diyos po kaya niya nakuha ang malaking pera that he donated for your campaign?

Itong si Sen. Trillanes po, he claims na may hawak siyang mga documents proving na nagkaroon ng around P2.2 billion in deposit transactions sa bank accounts nyo. Para po mapahiya at tuluyan nang manahimik si Trillanes, bakit hindi na lang po kayo pumirma at mag-issue sa mga banko nyo ng waiver ng bank secrecy? That would effectively put to rest all these corruption allegations against you, Tatay.

Just the other day, during the celebration of International Women’s Day, you vowed to uphold gender equality. Mapaninindigan nyo po ba talaga ‘yan, Tatay, o isa na naman ‘yan sa marami mong rhetorical statements? Alam naman nating lahat na lagi nyong ipinagmamalaki ang pagiging matinik nyo sa chicks, na kesyo kaya nyong pagsabay-sabayin ang ilang babae sa buhay nyo. Hindi po ba’t isa nga ‘yan sa mga dahilan kung bakit nag-file ng annulment of marriage ang dati nyong asawa?

During the campaign, napulaan kayo dahil sa insensitive nyong comment about the Australian missionary na ginang-rape at pinatay ng mga preso. Kumalat din ang mga pictures nyo na nagpapaupo kayo sa hita at nanghahalik ng mga female supporters nyo. Nang naging Pangulo naman kayo, isa sa mga unang naging kontrobersya laban sa inyo ay ang pagpito nyo sa isang female reporter during a press conference. Hayan tuloy, sa Hollywood tv show na “Madam Secretary,” pinalabas nilang bastos ang Presidente ng Pilipinas. Kahiya-hiya po tayo sa buong mundo. Pero hindi po natin sila masisisi. Depictment lang po iyun ng kung ano ang mga naisusulat at napapanood tungkol sa inyo.

You also seem intimidated by strong women, especially women who have the balls to stand up to you. Nariyan sina Sen. De Lima (na hindi kayo tinantanan for your alleged human rights violations mula noong kayo pa ang Mayor ng Davao), SC Chief Justice Sereno (na kinwestyun ang paglalabas mo sa publiko ng mga pangalan ng mga “narco-judges”), Ombudsman Carpio-Morales (na pinaghinalaan mong siyang nagbigay ng go-signal na isiwalat ang iyong di-umano’y multibillion-peso bank accounts noong panahon ng kampanya), VP Robredo (na walang-tigil sa pagpuna sa mga patayan under your War on Drugs) at UN Special Rapporteur Agnes Callamard (na gustong imbistigahan ang spate of unlawful killings na nangyayari under your administration). Dahil parang hindi nyo alam how to deal with strong women like them, you resort to insult and threat. Tila, you want to humiliate them. You want to break them. You want to silence them. You want to control them.

FILIPPINE_-_0510_-_Presidente
Photo credit: mironline.ca

Tatay, sa palagay nyo po ba, kung buhay pa ngayon ang inyong ina ay ikatutuwa niya ang mga ginagawa nyo sa mga kabaro nya? O ang pagpayag nyong mailibing sa LNMB ang diktador na si Marcos? Malamang po, hindi. Alam naman po natin na matapang niyang nilabanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso noong panahon ng Martial Law, di ba?

Siguro po, dahil sa pagtingala din sa inyo bilang kanilang ehemplo kaya may mga supporters kayo na nangharass online dati sa mga kabataang babae na nakilahok sa protest rally against the controversial Marcos burial. Tatay, ganyan kalaki ang inyong kapangyarihan at impluwensya sa amin. Kaya kung gusto nyong maging magalang kami, sana po, maging mabuting modelo ka sa amin.

During your speeches, lagi nyo rin pong sinasabi na alam nyo ang ginagawa nyo dahil kayo ay dating abogado. Pero sa bibig nyo na rin po nanggaling that, when you were a city prosecutor in Davao, you used to plant evidence to help the authorities when going after criminals. Tatay, hindi po ako abogado pero sigurado po ako na ang ganoong gawain ay labag sa batas. Alam ko rin po na may batas tayo laban sa bribery. So bakit hindi nyo po kinasuhan ang Mighty Corp na, ayon kay Mr. Salvador Panelo, ay sinubukan kayo dating suhulan? Katulad ng claim ni DA Sec. Manny Piñol na binigyan siya ng isang malaking agricultural company ng Rolex watch worth P450k, ng claim ni Justice Sec. Aguirre na sinuhulan diumano ni dating Sen. Jamby Madrigal at Binan Rep. Alonte ng P100 million ang mga convicted druglords to recant their testimonies against Sen. De Lima, at ng claim ni Sec. Andanar na binayaran daw ng $1,000 ang mga reporters who covered the presscon of self-confessed DDS leader Lascañas. Totoo po ba ang mga claims at allegations na ‘yun, o produkto lang lahat ng fake news?

Tatay, you are aware how sensitive the Filipinos are sa usapin ng Martial Law. Marami pa pong sugat ang hindi naghihilom mula sa madilim at mapanupil na mga taon ng pamumuno nina Marcos. Kaya, sana po, huwag mong gagamiting banta ang pagdi-declare mo ng Martial Law under any circumstance. Ginagawa mo kaming parang mga bata na tinatakot mo when we step out of line. Hindi po nakakatuwa ang ganun, Tatay.

Naniniwala po ako na matapang ka pero bahag daw po ang buntot mo kapag China na ang kaharap mo. During the campaign, ang sabi mo, magji-jet ski ka papuntang Spratly, itatanim mo ang bandila natin doon at hahamunin mo ang mga Intsik sa suntukan o barilan. Bakit po ganun? Ngayon na kinakamkam nila ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, biglang wala kayong magagawa dahil superpower sila? Tatay, teritoryo at kasarinlan po natin ang pinag-uusapan at ipinaglalabanan dito; ang lupain na iiwanan natin sa ating mga anak at sa kanilang mga anak. Huwag nyo naman pong isuko nang ganung kadali lamang ito lalo pa nga’t based on the ruling na ipinalabas noong isang taon ng Arbitral Tribunal ng United Nations, naipanalo po natin ang ating arbitration case against China. Tayo po ang may exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea!

Nang nagsalita kayo sa harap ng ating mga kababayan na nasa Myanmar, sinabi po ninyo that you are against same-sex marriage dahil ayon po sa inyo, aside from our Civil Code, Katoliko tayo. Kung saan po kamo tayo ipinwesto ng Diyos, dapat doon lang tayo. Seryoso ka ba sa statement mong ‘yun, Tatay, o nagbibiro ka lang? Dati po kasi, namumula ako sa ginagawa mong pagmumura at pambabatikos sa Simbahang Katolika. Tapos, ngayon, ang paniniwala ng Katolika ang gagamitin mong sandata laban sa apela ng mga members ng LGBT community? Isa pa po, ito ang linya nyo during the campaign, “Same sex marriage is good. Everyone deserves to be happy.” Ano po ang nangyari? Sinabi nyo lang ba yun dati to secure their votes? That is not so good, Tatay.

During that same speech, sinabi nyo rin po na safe na sa Pilipinas. Sa punto pong iyon, I’m sure na nagjo-joke lang kayo.

Let me remind you, Tatay, that under your War on Drugs, mahigit 7,000 na ang namamatay ayon sa official report ng PNP. May mga “suspected” drug offenders, may mga cases of mistaken identity, at may mga bystanders – either during legitimate police operations o by rogue police officers o vigilantes na masyadong siniseryoso ang call nyo to “slaughter them all.” Just today, I heard the news about a Chemical Engineering magna cum laude graduate from UP Los Banos na bigla na lang nawalang parang bula. Nag-aabang siya ng sasakyan at 4 am dahil first day of work nya sa kumpanyang inaplayan niya. Meron rin pong isang 20-year-old na lalaki ang dinukot ng mga naka-bonnet na assailants at isinakay sa isang van na walang plaka. Ang lalaking yun ay papunta lang sa drug store para bumili ng gamot dahil may sakit ang kanyang baby. Safe ba kanyo?

Alam nyo po, everytime na lumalabas ng bahay ang mga anak ko, kinakabahan at natatakot ako. Pero, bilang ina, ang kaya ko lang pong gawin ay ang pabaunan sila ng mga habilin: (1) Huwag makikipagtinginan sa mga pulis; (2) Lalayo sa mga naka-motorsiklo, lalo na kapag riding in tandem o nakasuot ng bonnet; (3) Kapag naka-witness sila ng krimen, tumakbo palayo; at (4) Kapag namamaga ang mata nila dahil sa magdamagang pagre-review, magsuot ng colored glasses. Mabuti na po ang nag-iingat, ‘di po ba? Baka mapagbintangan silang drug addict, bigla na lang itumba at takpan ng placard na nagsasabing, “Addict ako, huwag tularan.” Hindi ko po kakayanin kapag nangyari sa isa sa mga anak ko ang ganun.

Isa pa po sa mga naririnig ko is that you cannot tolerate criticism. Kaya nga po yata galit na galit kayo sa ipinadalang video message ni VP Leni sa UN Commission on Narcotic Drugs ay dahil isiniwalat nya ang mga totoong kaganapan sa bansa dahil sa inyong War on Drugs. Masyado kamong “atat” sa posisyon si VP. At part lang kamo ang lahat ng ‘yan (pati na rin ang Impeachment Complaint na inihain laban sa inyo) ng destabilization plot against your administration. Tatay, sa tingin ko po, hindi na kailangan ang ibang tao to destabilize your government. Kayo lang po — kasama ang inyong mga kaalyado na sina House Speaker Alvarez, Senate Pres. Pimentel, Justice Sec. Aguirre, PNP Chief Dela Rosa, Solicitor General Calida, Senators Pacquiao, Sotto, Gordon at Cayetano, mga appointees na sina Cesar Montano, Perfecto Yasay at Mocha Uson, at ang mga ka-DDS ko at mga bayarang trolls — ay sapat na to do the job effectively. Self-destructing nga raw po ang administrasyon nyo e.

Finally po, Tatay, nakikiusap ako sa inyo. Stop inciting emotional chaos. Temper your emotions lalo na kapag nasa harap kayo ng publiko. And don’t try to silence the opposition. Dapat nga po, you welcome dissent dahil ‘yun ang katunayan na buhay ang demokrasya sa ilalim ng iyong pamumuno.

‘Tay, I really hope and pray that you will soon start acting like the unifying and dignified President that you promised us you will be. The country deserves nothing less.

Nagmamalasakit,

Ang inyong anak

 

PS: Don’t forget to take your meds, Tatay. Nag-iiba ang timpla nyo kapag nakaka-miss kayo e.

WE WERE WARNED. WE JUST NEVER LISTENED.

14528339_120300000374871248_1627833714_n
Image grabbed from the net

With everything that’s happening in our country today, nalulungkot ako.

Nagagalit ako.

Nanlulumo ako.

Nagtataka ako.

At minsan pa, napapailing ako at nasasabi ko sa aking sarili, “Wala na yata talagang pag-asa ang mga Pilipino. The country is doomed. Panahon na para isuko natin ang laban.

As of the latest count, more than 6,200 people are dead since Pres. Duterte took office six months ago and waged an intense all-out war against drugs. Ang mga balita that we wake up to each morning hinggil sa mga patayan sa nakaraang gabi ay karaniwang ipinagkikibit-balikat na lang natin. We, as a nation, have been desensitized because of over-exposure to such regular occurrences. After all, bakit pa nga ba tayo magugulat sa mga patayang ito? Hindi ba’t binalaan na tayo ni Digong when he was still campaigning na kapag nanalo siya, “it will be bloody, really bloody”?

Ilang beses nang naglabas ng narco lists at drug matrix si Presidente Duterte kung saan he names and shames officials and personalities na hinihinalang sangkot sa drug trade. Tama, the operative word here is “hinihinala”. Nalalagay sa alanganin ang reputasyon at buhay ng mga taong ito, pati na rin ang kanilang mga pamilya, based sa listahan na hindi maituturing na fool-proof at posible pa ngang compromised ang integridad. Sa katunayan, the president once issued an apology to some Pangasinan officials who “were wrongly included in the list”. E paano na ung mga napatay na ng mga pulis o vigilante? Sorry na lang ba ‘yun, better luck next time? Hindi na rin ba applicable ang “save the user, jail the pusher” campaign? Sabagay, ang pinapatay nga lang pala ay ang mga mahihirap nating kababayan. But some people would still ask, “Nasaan kasi ang due process? Bakit hindi kasuhan ang mga suspects na ito and allow them their day in court? Bakit kailangan silang i-subject sa ganitong proseso?” But then, again, bakit pa ba tayo kailangang magtanong? Hindi ba’t minsan nang sinabi ng mahal nating president, “There is no due process in my mouth”?

Five months ago, former president GMA was released after a four-year hospital detention due to plunder charges filed against her. She then announced her “most profound thanks” to Pres. Duterte. May ilang napataas ang kilay. Pero, bakit ba? Hindi ba’t, also during the campaign, nangako si Dueterte sa mga Kapampangan electorate that, once elected, he would have GMA released? Tinupad nya lang ang kanyang pangako. May isang salita kasi ang Tatay Digong ko.

A month ago, after the clandestine burial of Ferdinand  Marcos at the Libingan Ng Mga Bayani last November 18, si Aimee Marcos naman ang nagpasalamat kay Pres. Duterte. Marami ang nag-react. May mga sumugod pa nga sa EDSA People Power Monument upang ipakita nila ang kanilang disgusto sa pangyayari. Again, bakit ba? Totoo nga na sa panahon ng Martial Law, 70,000 were incarcerated; 35,000 were tortured; 882 went missing; and 3,257 were murdered. Totoo rin na ang foreign debt natin ay lumobo mula sa US$7 billion in 1965 when Marcos was first elected president to US$25 billion in 1986, the year he was ousted. Totoo rin na, ayon sa PCGG, ang total amount ng ill-gotten wealth ng mga Marcoses ay nasa US$10 billion. Sa halagang ito, only US$4 billion had been confiscated and returned to the treasury. The remaining US$6 billion is yet to be recovered. Pero ang pinakaimporatanteng bagay dito ay ang hindi pagkilala ng pamilyang Marcos sa mga kasalanan nila –o maging ng kanilang yumaong patriarch– noong Martial Law. So, paanong magkakaroon ng closure, moving on at pagpapatawaran kung wala naman palang kasalanan in the first place, di ba? Pero, again, hindi na tayo dapat na nabigla sa desisyon ni Digong. Itinuturing nya si Macoy na “best president ever”. Hindi ba’t ipinangako nya rin sa mga Ilocano electorate ang libing na ito once mahalal siya sa puwesto? He is a man of his word nga kasi.

Since Digong was shoved into the limelight in late 2015 when he filed his Certificate of Candidacy, hanggang sa kampanya at, ngayon, bilang pangulo ng bansa, walang nakaligtas sa tinatawag na phenomenal “gutter language” ni Pres. Duterte. Ang Santo Papa, ang mga Obispo at kaparian, ang United Nations, ang mga human rights advocates, si Senador De Lima, si Chief Justice Sereno, ang media, si US Pres. Obama, ang European Union, pati na rin ang Mexico, Australia at Singapore – lahat sila ay naging biktima ng potty mouth ni Digong. He also managed to provoke the ire of the Jews all over the world nang ikinumpara nya ang kanyang giyera laban sa droga sa Holocaust ni Hitler. A few days before that naman, the fierce animosity of what he fondly refers to as the “bleeding hearts” of the Catholic Church was roused anew nang sinabi niya that he “can teach God about justice”. Pero, ayon nga sa kanya, “Do not complain about my mouth. It is not a problem. It cannot bring down the country.” Isa pa, hindi ba’t kandidato pa lang siya, alam na natin ang kalibre ng bibig nya? Magtiis tayo!

Lastly, we have all been witness to this whole brouhaha in the Lower House. Ang ating mga honorable congressmen seem to take perverse pleasure in bringing down one woman. Isang tinik sa tagiliran, isang sakit sa ulo na hindi kayang gamutin ng Biogesic, isang kating nakakairita, isang Dennis the Menace sa buhay-politika ni Pres. Duterte. Iyan si Senador Leila De Lima. Malalim ang ugat ng galit ng ating unifying president sa senadora. Nagsimula ang kanilang tunggalian noong CHR chief pa lamang si De Lima and she made the grave mistake of poking her nose into Duterte’s alleged involvement in the Davao Death Squad. Obviously, Duterte has the memory of an elephant. At ang mga kaalyado nya are just too eager to please their master. Pinag-usapan pa ng ating mga kagalang-galang na konggresista ang posibleng pagpapalabas during the congressional probe ng di-umano’y sex video ni De Lima. I am not a De Lima fanatic. She may or may not be guilty of the allegations against her. Kagaya ng mga Pilipinong may bukas pang pag-iisip sa panahong ito, nais ko ring malaman ang katotohanan sa mga bintang na ‘yan. But that? That’s disgusting and perverse and is, obviously, a cheap shot. Masyadong mababa ito even for our congressmen. Unang-una, si Sec. Aguirre na mismo ang umamin that the said video is not duly authenticated by the NBI. So bakit nila ‘yun gagamitin sa kanilang probe? Para lang talaga ipahiya si De Lima sa publiko, that’s why. If they have enough evidence against the senator, bakit hindi sila magsampa ng mga kaukulang kaso sa korte? Sabagay, bakit pa nga ba? Hindi ba’t ang presidente na mismo ang nagsabing “She’s finished. She will go to jail”?

Hay, Pilipinas.

You were warned.

You just never listened.